Ikaw ba ay Umasa Pero Nabigo? Tara na’t Tumindig at Lumaban!

UMASA

Umasa ang mga manggagawa at ang sambayanan sa mga binitawang pangako ni Pangulong Duterte na wawakasan niya ang iskema ng kontraktwalisasyon na matagal nang laganap at nagpapahirap sa malaking bilang ng mga manggagawa.

Isa ang lungsod ng Valenzuela sa buhay na patunay kung gaano kalala ang iskema ng kontraktwalisasyon at kung paano nito pinahihirapan ang mga manggagawang Pilipino. Napakaraming kumpanya/pabrika sa Valenzuela ang patuloy na nagpapatupad ng ENDO at ng iba’t ibang porma ng kontraktwalisasyon.

Ilan sa mga kumpanyang notorious pa rin sa pagpapatupad ng kontraktwalisasyon ay ang WL Foods Inc., Fishing Gear, Ligo, at Phil. Ultra. Matapos ang lima hanggang anim na buwan sa kumpanya ay kumakaharap na sila sa Endo. Ang pagkuha sa kanila muli o pag-extend sa kanilang kontrata ay nakabatay sa sinasabing performancenila sa trabaho. Ang iba naman ay pinagpapalit lamang ng pangalan matapos ang kontrata para pumasok sa panibagong kontrata. Ang isa pang optionng mga manggagawa ay pumasok sa mga manpower agency na nagkalat sa lungsod, ligal man o iligal o kolorum. Nanatiling walang seguridad sa trabaho ang mga manggagawang kontraktwal.

Liban pa sa kawalan ng seguridad, malaking suliranin pa rin ng mga manggagawa ang napakababang sahod. Batay sa sarbey na isinagawa ng Women WISE3 sa Valenzuela nitong Hulyo 2019, mahigit 50% ng mga manggagawa ang sumasahod ng wala pa sa nakatakdang minimum na sahod sa NCR na P537. Ang pinakamababa sa mga nakapanayam ay umaabot lamang sa P310. Ang pinakamalalang kondisyon naman ay iyong walang fixed rate  na sahod dahil pakyawan ang iskema ng paggawa.

Problema rin ng mga manggagawa ang kawalan ng benepisyo sa trabaho. Kahit na itinatakda ng batas, maraming kumpanya pa rin ang tahasang lumalabag sa pagbibigay ng mandatory benefits (SSS, Pag-ibig at PhilHealth) sa mga manggagawa nila. Ang iba naman, nagbibigay nga pero hindi naman regular na binabayaran ang mga ito kahit na kinakaltasan din ang sahod ng mga manggagawa.

May kakulangan din sa mga benepisyong natatanggap mula sa Overtime (OT) Pay, Service Incentive Leave, Holiday Pay, Night Differential Pay, 13thMonth Pay at iba pa.

Marami pa ring mga manggagawa ang hindi sapat ang kaalaman sa kanilang mga Batayang Karapatan. Kabilang dito ang mga kababaihang manggagawa, lalo na ang mga buntis, na mayroon silang espesyal na benepisyong dapat tinatamasa – ang maternity leave. Nitong nakaraang Marso 2019 nga ay naisabatas na ang Extended Maternity Leave Law kung saan nakasaad na ang sinumang babaeng empleyado na nagbubuntis ay may karampatang leave na 105 araw at may matatanggap na kompensasyon mula sa SSS.  Naisabatas na ang 105 Days Extended Maternity Leave nitong nakaraang Marso 2019.

NABIGO

Bigo ang mga Pilipino nang tuluyang talikuran ni Duterte ang pangako sa mga manggagawa. Laglag ang balikat ng mga manggagawa sa pagkadismaya nitong nakaraang Hulyo 26, 2019 ng i-veto o ibasura ni Pang. Duterte ang sertipikadong “urgent” o prayoridad ng pamahalaan na Security of Tenure Bill (SoT Bill). Bagama’t malabnaw din ang batas na ito at hindi tuluyang magwawakas sa kontraktwalisasyon, hindi pa rin ito nagawang isabatas ng administrasyong Duterte dahil na rin sa tulak at dikta ng malalaking negosyante na malinaw na mas pinaburan niya.

Ginagawang dahilan ng administrasyon at ng mga economic advisers nito na maaari umanong umalis sa bansa ang mga investorskapag naisabatas ang SoT Bill. Pero malinaw na dahilan lamang ito upang patuloy nilang mapagsamantalahan ang murang lakas paggawa ng mga Pilipino nang di nangangailangang bigyan sila ng seguridad sa trabaho at iba pang mga benepisyo. Talaga namang hindi maaasahan na uunahin ng mga kapitalista ang kapakanan ng mga manggagawa bago ang kanilang negosyo at tubo kahit pa dugo’t pawis ng mga manggagawa ang bumubuhay sa kanila.

TUMINDIG AT LUMABAN

Sa gitna ng lahat ng ito, nasaan nga ba ang mga manggagawa?

Tapos na ang panahon ng pananahimik at pagtitiis ng mga manggagawa. Sunud-sunod ang malalakas na pagkilos ng mga manggagawa sa buong bansa bilang pagtindig sa kanilang mga karapatan. Nariyan ang mga pagkilos at welga ng mga manggagawa ng Sumifru (Mindanao), PEPMACO (Laguna), Super8 Supermarket (Pasig), Zagu (Pasig), NutriAsia (Bulacan at Laguna), Nissin Monde (Laguna) at marami pang iba.

Samantala, ang mga progresibong partylist sa Kongreso ay naghain na muli ng panukalang batas para sa isang mas malakas at tunay na maka-manggagawang Security of Tenure Bill na tuluyan nang magwawakas sa kontraktwalisasyon sa bansa.

Hamon sa ating mga manggagawa na tumindig at magkaisa para sa pag-abot natin sa ating mga lehitimong mithiin at karapatan. Nasa sama-samang pagkilos natin ang ating lakas upang mapagtagumpayan ang laban natin para sa disente at ligtas na trabaho, sapat na sahod at benepisyo, seguridad sa trabaho at karapatang mag-unyon.

Kaya, ano pang hinihintay ‘nyo? Tara na’t tumindig at ipaglaban ang ating mga karapatan!

 

[Repost] Sa Mayo Uno, sa pandaigdigang araw ng mga mangaggawa, sigaw ng mga kababaihan: welga!

wgblstrike-logo_stacked-300x234

Titigil ang mundo kapag tumigil ang kababaihan!

*Igiit ang pagkakapantay sa sahod, itigil ang karahasang nakabatay sa kasarian, at iba pang isyu*

*Panawagan para sa Pandaigdigang Welga ng mga Kababaihan sa Marso 8, 2020*

01 Mayo 2019
Manila, Philippines

Sa darating na Mayo Uno, mariing ipinanawagan ng mga peminista, iba’t ibang grupo ng mga kababaihan at ng mga kilusang nagsusulong ng panlipunang hustisya ang matagal nang minimithi ng mga kababaihan – isang mundo na makatarungan at may pagkakapantay-pantay, na may nakabubuhay na sahod, pantay na sahod, walang karahasang nakabatay sa kasarian, sagana at may sapat na pagkain para sa lahat, at karapatan at pamamahala sa mga rekurso at kabuhayan ng lipunan.

Nananatiling tagibang ang pag-unlad ng mundo, nakapako sa galaw ng merkado at sa indibidwalismo, pagpapalaki ng kita, pribatisasyon ng pampublikong serbisyo, habang ang mga malalaking korporasyon ay pinoprotektahan sa pamamagitan ng maliit na buwis, mga konsesyon at pautang. “Ang ganitong kaayusan ay sinusuhayan ng sistematikong pagsasamantala sa mga kababaihan na nakakatanggap ng mababang sahod para mapalobo ang kita ng kapitalista, pagkatali sa gawaing bahay at kawalan ng kompensasyon para dito, at ang pagkawalay nila sa mga proseso ng pagdedesisyon sa pampulitika, panlipunan at pang-ekonomiyang aspeto ng lipunan. Nilalabanan naming ang pang-aagaw ng lupa ng mga korporasyon mula sa mga mamamayan, na nagnanakaw ng kabuhayan n mga magsasakang kababaihan. Nais naming magwelga sa buong mundo para itigl ang pang-ekonomiyang pagsasamantala sa mga kababaihan,” ani Fatima Burnad, mula sa Tamil Nadu Women’s Federation ng India.

Sa buong daigdig, ang sahod ng mga kababaihan ay 37 porsyentong mas mababa kaysa mga kalalakihan at kailangan pa ng 202 taon para pumantay ang sahod ng kababaihan sa kalalakihan. “Sa mga bansang naghihikahos, 2/3 ng mga kababaihan ang nasa impormal na ekonomya, kung saan kulang o walang tinatamasang proteksyong panlipunan at karapatang ligal. Bukod dito, masyadong maliit ang kanilang kinikita at nananatiling mahirap ang kanilang kalagayan. Kailangan nang wakasan ang ganitong kaayusan. Gusto naming ng disenteng trabaho, nakabubuhay na sahod at pagkilala sa karapatang mag-organisa ng kababaihang manggagawa,” dagdag ni Daisy Arago ng Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR), ng Pilipinas.

Tinatantyang nasa 35 porsyento ng mga kababaihan sa buong mundo ang nakaranas ng sekswal na pang-aabuso at may isa sa apat na babae ang nakaranas ng pang-aabusong sekswal sa pagawaan. Ayon kay Ivy Josiah, peminista at dating Executive Director ng Women’s Aid Organisation sa Malaysia, “ nasa tamang panahon na para magkaroon ng mga progresibong hakbang para isulong at ihulma ang mundong malaya ang mga kababaihan mula sa karahasan at pang-aabuso. Ang pandaigdigang welga ng mga kababaihan ay nananawagan sa lahat ng gobyerno sa mundo na pagtibayin ang ILO Convention and Recommendation on Ending Violence and Harassment noong ika-108th na pagpupulong ng ILO sa Hunyo 2019. Kinakailangang umaksyon ang mga gobyerno sa kanilang mga pangako na mapatigil ang karahasan laban sa mga kababaihan.”

Ang karapatan ng mga kababaihan sa kilusang paggawa ay nakaugat sa kasaysayan ng pandaigdigang araw ng mga kababaihan at sa pakikibaka ng mga kababaihan na makilahok sa paggawa ng kasaysayan kapantay ng mga kalalakihan. “Namumuhay tayo sa isang mapanganib na mundo kung saan ang peminismo o ang karapatang pantao ng mga kababaihan are tinatanggalan ng pampulitikang halaga at ‘pink-washing’ sa paglaganap ng mga terminong ‘women’s economic empowerment’ o kahit ‘feminist foreign policy.’ Ito ang ginagawa bilang porma ng pampulitikang manipulasyon. An gating pagkakaisa at kolektibong pakikibaka bilang mga kababaihan ay ang ating pag-asa at tugon sa paglaban sa patriyarkiya, pundamentalismo, kapitalismo at militarism. Kaya kami ay nananawagan ng pandaigdigang welga ng mga kababaihan sa susunod na taon!,” sabi ni Misun Woo, Asia Pacific Forum on Women, Law and Development, Thailand.

Inilunsad din ng koalisyon ang website para sa kampanya, womensglobalstrike.com. Ang website na ito ang mapagkukunan ng impormasyon para sa kampanya, kung paano makakalahok ang mga kababaihan at mga aksyon para sa pandaigdigang welga.

WOMEN FIGHTING BACK: Filipino Women Workers’ Stories of Struggle and Survival

Dati, ang madalas na pantawid gutom namin ay yung lugaw na tinda sa may kanto, may isang itlog. Minsan may laman din kapag may badyet. Pero ngayon, sa taas ng presyo ng mga bilihin at sa hirap humanap ng trabaho, kalahating lugaw na lang ang kinakaya. Wala nang itlog at lalong wala nang karne,” Gina says on how Duterte’s TRAIN Law affected her family’s day-to-day living since the law implemented on January 2018.

(Before, we often have a bowl of porridge in the corner street, to calm our hunger, with boiled egg and sometimes with innards if we had budget. Today, with the high commodity prices and difficulty to find jobs, we can only afford half bowl of porridge, sans egg and meat)

Gina Petes, 52 years old, worked as a machine operator for 18 years in Donewell Plastics, the largest supplier of plastic products in Metro Manila and the country. She remained contractual, paid P280 (US $0.5.38) daily, while working for 12 hours a day in the company for 18 years.

In 2017 she was illegally dismissed. The management said that they had to let her go because as she gets older, she worked slower and failed to reach their quotas. She works in whatever jobs accept her.

Gina filed a complaint against Donewell Plastics Corp. at the Department of Labor and Employment (DOLE). At first, it seemed impossible to win the case, but with her perseverance and with sufficient knowledge about her rights she gained through the activities of organization, Women WISE3, she won and got her severance pay.

Meanwhile, Mae was not as`fortunate’ as Gina. Mae used to work at W.L. Foods Corporation – one of the biggest snack foods company in the country. In 2013, she got into an accident in the production area that cut her arm while inspecting a machine. The company did not cover her hospitalization. She filed a complaint at the Labor Department, but lost.  “Nakakalungkot na literal na buwis-buhay ang magtrabaho dito sa atin. Hindi makatao ang pagtrato at walang disenteng sahod ang mga manggagwa.” (Its sad that to work here in our country is costing life. Workers are treated inhumanely and are not paid decently.) Since then, she’s unable to land a stable job.

Gina and Mae are like  most women workers today, battling everyday to keep their meager income from unstable and unsafe jobs intact from attacks of skyrocketing prices. Access to healthy and sufficient food has not been the same since Duterte’s  TRAIN Law rammed into their already impoverished lives.

Urgent Call to Organize

Gina knows well that it if she did not join Women WISE3, she could not have won her case.  Thus, she and her other female colleagues, reached out to others,  equipped themselves with understanding through attending seminars and other activities where they learned more about their rights as workers and as women. They actively campaigned against Duterte’s TRAIN Law and for the passage of the Expanded Maternity Leave (EML) Act . They all rejoiced when EML was finally enacted into law last February. “This is a victory for all women. We, ourselves, may no longer be able to reap the benefit of this new law, but we are proud that we are part of those who pushed for it,” Gina shares.

The work is not over yet. Many women workers are not enlisted by their employers to the Social Security System (SSS) despite 18 years work, like Gina. And SSS, with all its flaws is mandatory and basic social protection any worker can get. And yet, business owners were not pleased with the EML law, saying it is an added liability for women workers. They, in fact call it “anti-women,” as they warn that it will probably result to more discrimination against women, as they had been doing for many years. Women are not only discriminated in pay, but in employment opportunities. There are factories who fire pregnant women and others simply refuse to hire mothers.

The Social Security System (SSS), as if acting on cue, with Duterte signing EML into law, announced that it is raising the SSS contributions under the pretext of increasing the longevity of the semi-state insurance agency. The announcement drew flak, but still, it is going ahead with its decision.

“We will resist this new plan, as we know the SSS has billions in uncollected contributions from the company/ employers. Why burden us?  They should prioritize this, instead of adding new burden to members,” Malou Santos, Women WISE3 Chairperson says. “The priority now is to push the campaign for enlistment of all workers into all these social protection benefits, SSS, Philhealth and housing, as mandated by law. These are state corporations, corporatizing the workers’ money, and excluding workers especially women from a tiny benefits they can get from these funds is multiplying their exploitation. State should provide, social protection”, Santos added.

On International Women’s Day, Women WiSE3salutes women workers like Gina and Mae who continue to strive for a better future, not only for their own families, but for all. “We must act now, to make all the changes happen now, not in the future,” Santos asserted.

Santos also reminds that as mid-term elections, approaches, let us not forget those candidates who voted for TRAIN Law, for Rice Tarriffication Law that floods our country with cheaper imported rice, while our farmers are dying of hunger. She challenged all other candidates by walking their talk, in job protection, by intervening, supporting and addressing the demands of Sumitomo Fruit Corp workers who had travelled from Mindanao driven by militarization and Martial Law and been camping out in Manila for four months now.

“Duterte led many of us to believe that the workers conditions will be improved for the better. It was all lies. His misogynistic remarks are patent, that insulted more women, but led us to organize more. We will not be fooled again, by a government, who believed that honesty is not fundamental in governance,” Santos ended.